Search This Blog

Jestify. Powered by Blogger.

Kakaibang Tips sa Pag-iipon




25 years nang Kasal ang isang mag-asawa, sa katunayan nga ay katatapos lang ng kanilang Silver Anniversary. Isang araw ay naglilinis si Misis ng kanilang kwarto nang makita nya ang isang Kahon.

Kinuha niya ang kahon at nang binuksan niya ito ay nakita niya ang tatlong itlog at 10,000 pesos na cash.

Nagtaka si Misis kaya inusisa niya ang kanyang Mister at tinanong niya ito kung anong ibig sabihin nung laman ng box.

MISIS: Honey, may nakita akong box sa ilalim ng kama natin at may laman itong tatlong itlog at 10K. Para saan ang mga iyon?

MISTER: Ah, ganit kasi yan Honey... kapag may nagagawa akong pagkakamali ay naglalagay ako ng itlog doon sa kahon.


Nalungkot si Misis sa inamin ng kanyang Mister pero sa isang banda ay natuwa naman siya dahil sa loob ng 25 years nilang pagsasama ay tatlong beses pa lamang nakagawa ng pagkakamali ang kanyang Mister.

MISIS: Hay... at least nagsabi ka sa kin ng totoo, Honey. Ayos lang yan, patatawarin kita. Pero para saan naman yung P10,000.00 na katabi nung mga eggs?

MISTER: (Napayuko dahil sa hiya) Kasi... Honey... kapag nakapupuno ako ng isang tray ng itlog ay binibenta ko ito, kaya naka ipon ako ng sampung libo. Sorry, hon... I love you...
₱199 and below
Free shipping on all items at Lazada! Shop now
Loading...

Disclaimer: Images, articles or videos on the web sometimes come from various other media sources. Copyright is fully held by the source. If there are problems related to this, you can contact us here.
Related Posts
© Copyright 2017 Jestify - All Rights Reserved - Created By BLAGIOKE Diberdayakan oleh Blogger