Search This Blog

Jestify. Powered by Blogger.

Nagbibihis si Girlfriend




First month celebration ng magkasintahan bilang "official couple" kaya naman sinundo ni Boyfriend ang kanyang lovely girl sa kanilang house.

Pagdating sa bahay ni Girlfriend...

JUAN: Honey, nandito na ko. Ready ka na ba sa ating movie date?

NENA: Hello, Honey! Wait lang ha... malapit na ko matapos magbihis, umupo ka muna dyan. Feel at home.


Dahil walang tao sa sala ay nagpagpag ng sapatos ang Lalaki bago pumasok at umupo sa couch. Pagkaupo niya ay napansin niyang may naka ready nang pagkain sa lamesita.

Hindi pa kumakain si BF kaya naman ay hindi niya natiis ang pagkain sa lamesa at kinain ito. Naubos niya kagad dahil sa kakaibang sarap na nalasahan niya.

JUAN: Honey, grabe naman sa sarap itong pagkain na inihanda mo para sa kin. Saan mo ito nabili nang mapasalubungan ko si Mommy?

NENA: Anong pagkain, Honey? Wala naman akong prepared food kasi nga aalis din tayo.

JUAN: Ah, itong Mani na nasa platito dito sa lamesita.

NENA: OMG! Honey, bakit mo kinain yan?

JUAN: Ay, sorry... bakit, kanino ba ito? Panis na ba ito?

NENA: Kay Lola yan, Hon... Siya ang nag-ipon niyan kaninang umaga...

JUAN: Nag-ipon? What do you mean?

NENA: M&M's with peanuts kasi yan, Hon.

JUAN: Eh, bakit walang chocolate coatings?

NENA: Wala na kasing ngipin si Lola, kaya sinisipsip niya lang yung chocolate tapos inilalagay dyan sa platito yung peanuts.
₱199 and below
Free shipping on all items at Lazada! Shop now
Loading...

Disclaimer: Images, articles or videos on the web sometimes come from various other media sources. Copyright is fully held by the source. If there are problems related to this, you can contact us here.
Related Posts
© Copyright 2017 Jestify - All Rights Reserved - Created By BLAGIOKE Diberdayakan oleh Blogger