Search This Blog

Jestify. Powered by Blogger.

40 bagay na batang 80s & 90s lang ang nakakaalam




Narito ang ilan sa mga bagay na mga 80s at 90s na bata lang ang makakarelate. Isa ka ba sa mga nakaexperience nito dati?
  1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
  2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
  3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
  4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
  5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
  6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
  7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. Minsan kinakalog mo pa ito.
  8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
  9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
  10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
  11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
  12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)
  13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. - wala akong polly pocket! hahaha poor lang kasi kami...
  14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
  15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
  16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
  17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
  18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot
    mo yung mga bilog sa stick na maliit. - hahahahaha
  19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
  20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo
    walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin
    yung factory ng pambura".
  21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
  22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. - baduy pa rin ui! hahahaha
  23. Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
  24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. - oo, pero wala pa rin ako nun.. hahaha
  25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
  26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. - hindi akin, kay papa! hahaha
  27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
  28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. - pero i remember all of these.. hahaha
  29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo
    sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".
  30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
  31. Sumasayaw ka ng Macarena.
  32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. -as in ! super! hahahaha
  33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. - hindi naman fanatic, fan lang! hahaha crazy fan 
  34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya
    ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
  35. Tape pa ang uso, hindi CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
  36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
  37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
  38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
  39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. - oo noh! hahahaha
  40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song:
    "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"
Kung may maidadagdag pa po kayo sa listahan, i-comment lang po sa baba. Salamat po.
₱199 and below
Free shipping on all items at Lazada! Shop now
Loading...

Disclaimer: Images, articles or videos on the web sometimes come from various other media sources. Copyright is fully held by the source. If there are problems related to this, you can contact us here.
Related Posts
© Copyright 2017 Jestify - All Rights Reserved - Created By BLAGIOKE Diberdayakan oleh Blogger