Search This Blog

Jestify. Powered by Blogger.

Lambat at Pating




Matapos mangisda ni Juan buong araw ay sinalubong siya ng kanyang anak na si Pepe sa may dalampasigan.


PEPE: Itay! Marami po ba kayong nahuling isda?

JUAN: Aba, oo Anak! Ayan, tignan mo sa banyera... punong-puno, may natira pa sa lambat natin.

PEPE: Wow! Ang galing mo po talaga manghuli, Itay! Eh, bakit wala pong Pating?

JUAN: Mabangis ang Pating, Anak. Mahirap at delikadong hulihin yun at ipinagbabawal din ng batas.

PEPE: Weh... Eh, bakit si Inay po kanina, may nahuli silang Pating. Narinig ko nga po sila sa bahay ni Mang Eddie.

JUAN: Ha? Bakit, anong sabi?

PEPE: Sabi po ni Inay,
"Grabe, ang laki ng pating mo Eddie! Magkasya kaya sa lambat ko yan?"
Tapos sabi naman po ni Mang Eddie,
"Pagkakasyahin natin. Humanda ka na, ipapasok na natin ang nanggagalit na pating sa lambat!"
JUAN: Anak ng Pating!!

PEPE: Teka lang po Itay, hindi pa po tapos! Tama ka nga po 'Tay... mahirap hulihin ang pating kasi nakailang labas sa lambat.

Sabi pa ni Inay,
"Nagwawala ang pating mo. Ipasok mo na ulit sa lambat Eddie! Dalian mo!"
Pero, tama ka rin 'Tay na mabangis ang pating kasi narinig ko yung ipit na sigaw ni Inay tsaka medyo may ungol pa nga si Mang Eddie dahil sa mahirap na paghuli nung pating. Nahirapan talaga sila 'Tay, buti na lang nung huli nanghina na yung pating kasi sabi ni Mang Eddie,
"Nanlata na ang pating. Napagod masyado."
Kaso may mali ka rin 'Tay kasi hindi nakakapatay ang pating kasi sabi pa ni Inay,
"Grabe yung pating mo, binigyang buhay ang buong katawan ko. Woooh!"
JUAN: Nak! Tara, uwi na tayo.

PEPE: Bakit po?

JUAN: May tatahiin tayong lambat at may ibo-boneless tayong pating!
₱199 and below
Free shipping on all items at Lazada! Shop now
Loading...

Disclaimer: Images, articles or videos on the web sometimes come from various other media sources. Copyright is fully held by the source. If there are problems related to this, you can contact us here.
Related Posts
© Copyright 2017 Jestify - All Rights Reserved - Created By BLAGIOKE Diberdayakan oleh Blogger