Search This Blog

Jestify. Powered by Blogger.

Pinara ng Police




Masunurin sa batas o Law-abiding Citizen itong si Juan, maski sa Traffic Rules ay sinisikap niyang hindi maka-violate. Isang araw habang nagpapasada siya ng kanyang Jeepney ay pinara siyang bigla ng isang Police Officer.

JUAN: (biglang kinabahan) Naku, nayari na...


Maayos na itinabi ni Juan ang kanyang sasakyan sa gilid malapit sa Pulis.

JUAN: Sir, good morning po!

PULIS: Good morning din po, Boss!

JUAN: Ah... ano po ba ang violation ko?

PULIS: Huh? Anong violation tinutukoy mo?

JUAN: May nagawa po ba kong mali sa pagmamaneho?

PULIS: Hmmm... wala...

JUAN: Eh, bakit mo ko pinara? Masyado mo naman akong pinakaba...

PULIS: Gusto mo bang ma-Tokhang? Adik ka yata eh... bawal na bang sumakay ng Jeep ang mga Kapulisan ngayon? May pambayad naman ako ah...

JUAN: Churi naman po...
₱199 and below
Free shipping on all items at Lazada! Shop now
Loading...

Disclaimer: Images, articles or videos on the web sometimes come from various other media sources. Copyright is fully held by the source. If there are problems related to this, you can contact us here.
Related Posts
© Copyright 2017 Jestify - All Rights Reserved - Created By BLAGIOKE Diberdayakan oleh Blogger