Search This Blog

Jestify. Powered by Blogger.

Hindi bale nang...




SINGLE: 'Di bale nang walang lovelife, busog naman.


BITTER: Asus, maghihiwalay din kayo.

PANGET: Hindi bale nang panget, may maganda namang kalooban.

MALANDI: Ang akin ay akin. Ang iyo ay akin pa rin.

MANHID: Mabuti na ang walang nararamdaman at least hindi nasasaktan.

COLLEGE STUDENTS: Ayos lang kahit tres, wag lang singko.

DOTA PLAYERS: 'Di bale nang maadik kakalaro ng DotA, kesa naman sa kakalaro ng babae.

TANGA: Kaya kong tiisin ang lahat para sa iyo, 'wag mo lang akong iiwan.

MATABA: Okay lang kahit mataba at least kapag dumating ang tag-gutom, kayo mamamatay na, kami papayat pa lang.

INSECURE: Maganda lang yan dahil maputi. Pag umitim yan, panget na yan.

MALIBOG: 'Di bale nang malibog, huwag lang malibag.

MAMBOBOLA: Sa ganda mong yan, wala kang boyfriend?

MATAKAW: 'Di bale nang malaki ang tiyan, basta hindi bata ang laman.

HINDI SOCIALITE: Okay lang kahit konti ang kaibigan at least, walang plastikan.

PANGET SA PICTURE: Hindi bale nang hindi photogenic, maganda naman sa personal.

BABAENG NILOKO: Pare-pareho lang kayong mga lalaki! Mga manloloko! Pwe!

TORPE: Hindi bale nang torpe at least totoo ang nararamdaman.

BABAENG NAGSESELOS: Eh di magsama kayo!

TEACHER: Get one-fourth sheet of paper. Number one!

ESTUDYANTE: Ma'am, wait po! Uy prenships, pengeng wamport.

MARTIR: Okay lang na wala ako, basta ikaw meron, masaya na ko.

MALIIT: Di bale ng maliit, bawing- bawi naman sa mukha.

TAMAD: Mabuti ng tamad, hindi naman pagod.

PAYATOT: Okay lang kahit payat, hot naman.

HINDI SIKAT: Di bale ng konti lang ang likes, at least hindi famewhore.
₱199 and below
Free shipping on all items at Lazada! Shop now
Loading...

Disclaimer: Images, articles or videos on the web sometimes come from various other media sources. Copyright is fully held by the source. If there are problems related to this, you can contact us here.
Related Posts
© Copyright 2017 Jestify - All Rights Reserved - Created By BLAGIOKE Diberdayakan oleh Blogger